THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
πππππΌπ ππππΏπΌπ: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA)
Magsisimula ngayong Agosto 10β28, 2026 ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA) ng San Manuel Community Health Center bilang bahagi ng kampanyang βLigtas Tigdas.β
Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan (wala pang 5 taong gulang) sa mga itinakdang vaccination sites. Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng Vitamin A supplementation upang makatulong sa pagpapalakas ng resistensya ng mga bata.
Ang pagbabakuna ay isang mahalagang proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, pagkaka-ospital, at maging sanhi ng pagkamatay.
Mga Paalala:
- Dalhin ang Child Health Booklet o vaccination card ng inyong anak kung mayroon.
- Libre po ang bakuna at Vitamin A supplementation.
- Dalhin ang inyong mga anak sa itinakdang araw ng Temporary Post o Fixed Post sa inyong barangay.
Magtungo sa pinakamalapit na health center o makipag-ugnayan sa inyong barangay nurse o midwife para sa karagdagang impormasyon.
Mula Agosto 10β28, 2026, sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak. Magpabakuna para sa ligtas, malusog, at mas masayang kinabukasan ng bawat batang San ManueleΓ±os!





