THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
48th National Disability Rights Week
Ang ating Local Government Unit ng San Manuel, Tarlac kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office ay nakiki-isa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week na may temang “Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development, sama-sama nating isulong ang lipunang walang naiiwan!
Ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula kapag kinikilala ang karapatan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng mga tamang batas at kongkretong aksyon, binibigyang-daan natin ang isang komunidad kung saan ang ating mga kapatid na may kapansanan (PWDs) ay may pantay na boses, oportunidad, at kakayahang mamuno.
Kaisa kami sa pagsusulong ng isang inklusibong Pilipinas!

