4th Tarlac BizConEx 2026

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Manuel, sa pangunguna ni Mayor Donya Tesoro, sa 4th Tarlac Business Conference and Expo (BizConEx) 2026 sa Tarlac City. Ang taunang pagtitipong ito ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa mga negosyante, MSMEs, mamumuhunan, at iba’t ibang sektor upang palakasin ang ugnayan, magbahagi ng kaalaman, at tuklasin ang mga oportunidad para sa paglago ng negosyo at ekonomiya ng lalawigan.

Patuloy na sinusuportahan ng LGU San Manuel ang mga programang nagtataguyod ng pagnenegosyo, pamumuhunan, at lokal na kaunlaran bilang bahagi ng layunin nitong makapagbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga San Manueleno at mapaunlad ang ekonomiya ng bayan.