52nd NUTRITION MONTH | JULY 2026

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Manuel, Tarlac sa pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month na may temang, “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

Ang temang ito ay nagpapaalala sa atin na ang mabuting kalusugan at pangangalaga sa kalikasan ay magkaugnay. Sa pamamagitan ng wastong nutrisyon, masustansyang pagkain, at pangangalaga sa ating kapaligiran, sama-sama nating maitataguyod ang isang mas malusog at mas matatag na komunidad.

Patuloy nating isabuhay ang wastong pagkain, aktibong pamumuhay, at pangangalaga sa kalikasan para sa kinabukasan ng bawat pamilyang San Manueleño.

Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!