THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
Administrative Petition for Correction Automated System (APCAS)
Good news San Manueleños!
Matagumpay na naisagawa ng ating Local Civil Registry Office (LCRO) at ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Administrative Petition for Correction Automated System (APCAS) Rollout para sa ating mga kawani!
Ang APCAS ay isang web-based system na nagpapabilis at nagpapadali sa pagproseso ng mga petisyon para sa pagwawasto ng mga clerical errors at pagpapalit ng first name sa inyong mga civil registry documents, tulad ng birth certificate.
Bakit ito makabuluhan?
Mas mabilis na serbisyo: Bawasan ang dating anim na buwang proseso sa halos isang buwan na lamang.
Digital at walang abala: Hindi na kailangan ng paulit-ulit na pagbiyahe. Ang mga dokumento ay ini-scan, ina-upload, at pinoproseso nang digital.
Ligtas at pribado: Tinitiyak ng system ang pagsunod sa Data Privacy Act para maprotektahan ang inyong personal na impormasyon.
Ang APCAS ay bahagi ng mas malawak na digital transformation ng gobyerno upang mapabilis at mapaganda ang serbisyo publiko para sa lahat.
Kung may nais ipa-correct sa inyong birth certificate, huwag nang mag-atubiling pumunta sa ating Municipal Civil Registry Office. Handang magserbisyo ang inyong LGU sa pamamagitan ng APCAS!

