BENCHMARKING AND CEREMONIAL MOA SIGNING WITH TARLAC AGRICULTURAL UNIVERSITY

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan at pagtutulungan ang isinagawa sa pamamagitan ng Benchmarking at Ceremonial MOA Signing sa pagitan ng Municipality of San Manuel, Tarlac at Tarlac Agricultural University (TAU).

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang pagbabahaginan ng kaalaman, karanasan, at mga makabagong pamamaraan na maaaring makatulong sa patuloy na pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA), pinagtitibay ang pangako ng dalawang institusyon na magtulungan para sa kapakinabangan ng komunidad at sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa edukasyon, agrikultura, pananaliksik, at lokal na pag-unlad.

Patuloy ang LGU San Manuel sa pagtataguyod ng mga makabuluhang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan para sa mas maunlad at mas progresibong San Manuel.