THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
BIGAY BIGAS SA MASA
Matagumpay na isinagawa sa Bayan ng San Manuel, Tarlac ang pamamahagi ng bigas sa ilalim ng Bigay Bigas sa Masa, isang programa ng National Government na naglalayong makatulong sa mga pamilyang kabilang sa mga vulnerable sector.
Naging malaking ginhawa ang programa para sa mga benepisyaryo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay. Patuloy na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Manuel sa mga programang nagbibigay ng agarang tulong at nagsusulong ng mas maayos na kalidad ng buhay para sa bawat San Manueleño




