DISTRIBUTION OF EDUCATIONAL ASSISTANCE

Patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi ng educational assistance para makatulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral.

Layunin ng programang ito na maibsan ang pinansyal na pangangailangan ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya, at makatulong upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Sa patuloy na pagtutulungan, sama-sama nating isinusulong ang edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng kabataan ng San Manuel.