Distribution of School Materials in Elementary Schools

Sa pangunguna ni Mayor Donya Tesoro, masayang ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng San Manuel ang mga school materials sa mga mag-aaral ng mga paaralang elementarya sa bayan bilang paghahanda sa panibagong taon ng pag-aaral.

Sa pamamagitan ng taunang programang ito, nabibigyan ng dagdag na suporta ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya upang mas maging magaan ang pagbabalik-eskwela. Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang nakatuon sa edukasyon upang matulungan ang bawat batang San Manueleno na makamit ang kanilang mga pangarap.