GULAYAN SA BARANGAY AT GULAYAN SA PAARALAN

Bilang pakikiisa sa Gulayan sa Barangay at Gulayan sa Paaralan, matagumpay na nakapagbahagi ang LGU-San Manuel, Tarlac, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO), ng vegetable seedlings at assorted vegetable seeds sa lahat ng barangay ng ating bayan.

Layunin ng programang ito na mahikayat ang ating mga komunidad at paaralan na magkaroon ng sariling taniman, mapalakas ang food security, at maisulong ang masustansiya at produktibong pamumuhay.

Sa simpleng pagtatanim, sama-sama nating mapapalago ang isang mas masagana, malusog, at luntiang San Manuel!