INAUGURATION AND BLESSING OF SAN VICENTE CHILD DEVELOPMENT CENTER

Isang makabuluhang yugto para sa edukasyon at kapakanan ng mga bata ang ipinagdiwang sa pamamagitan ng Inagurasyon at Basbas ng San Vicente Child Development Center na ginanap noong Hulyo 31, 2026 sa Brgy. San Vicente, San Manuel, Tarlac.

Ang bagong Child Development Center ay magsisilbing ligtas, maayos, at makabagong pasilidad kung saan magkakaroon ng dekalidad na Early Childhood Care and Development (ECCD) ang mga batang San Manueleño. Layunin nitong mabigyan ang mga bata ng angkop na kapaligiran para sa pagkatuto, paglalaro, at paglinang ng kanilang kakayahan sa kanilang mga unang taon ng buhay.

Patunay ang proyektong ito ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng San Manuel sa pagpapalakas ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga bata at sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pampubliko para sa bawat pamilyang San Manueleño.

Nawa’y magsilbing simbolo ang San Vicente Child Development Center ng pag-asa at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang San Manueleño, tungo sa isang mas maunlad, ligtas, at mapagkalingang pamayanan.