INAUGURATION AND TURNOVER CEREMONY OF THE ONION COLD STORAGE FACILITY

Isang mahalagang hakbang para sa ating mga onion farmers ang isinagawa sa pamamagitan ng Inauguration and Turnover Ceremony ng Onion Cold Storage Facility sa San Manuel, Tarlac.

Sa pangunguna ni Mayor Donya Tesoro, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel ang mga programang nagbibigay ng konkretong suporta at dagdag na oportunidad para sa ating mga magsasaka.

Ang pagkakaroon ng bagong cold storage facility ay makatutulong sa tamang pag-iimbak at pangangalaga ng ani ng sibuyas, pagpapanatili ng kalidad nito, at pagbawas sa posibleng pagkalugi ng ating mga onion farmers.

Naging posible ang proyektong ito sa pamamagitan ng tulong at suporta ng Metrobank Foundation, Inc. at Department of Agriculture, na patuloy na katuwang sa pagsusulong ng kapakanan at kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Isang patunay na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan, mas napapalakas natin ang sektor ng agrikultura at ang kabuhayan ng mga magsasaka sa San Manuel.