THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
Inauguration & Blessing of Sta. Maria Child Development Center
Ngayong araw ay matagumpay na isinagawa ang Inagurasyon and Blessing ng bagong Child Development Center sa Barangay Sta. Maria, San Manuel, Tarlac, sa pangunguna ni Mayor Doña Cresencia R. Tesoro, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga magulang, at mga batang enrolled sa Sta. Maria Child Development Center.
Kasabay ng programa ay ang pamamahagi ng school supplies at instructional materials mula sa ating butihing Mayor bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa pagpapalakas ng maagang edukasyon at pagpapaunlad ng mga pasilidad para sa kapakinabangan ng ating mga kabataan.
Ang proyektong ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng San Manuel na mapalawak at mapabuti ang mga pasilidad para sa maagang edukasyon, upang matiyak na ang bawat bata ay magkakaroon ng ligtas, maayos, at angkop na kapaligiran para sa kanilang pagkatuto at pag-unlad.
Lubos ang aming pasasalamat kay Mayor Donya Tesoro sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa mga programang naglalayong itaguyod ang kapakanan ng ating mga kabataan at ng buong komunidad.





