LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION SA SAN MANUEL, TARLAC

Sa pakikipagtulungan ng Tarlac Provincial Veterinary Office, matagumpay na isinagawa ang Libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang aso at pusa sa Bayan ng San Manuel, Tarlac.

Layunin ng programang ito na maprotektahan ang kalusugan ng ating mga alagang hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre at accessible na anti-rabies vaccination.

Taos-pusong pasasalamat sa Tarlac Provincial Veterinary Office, gayundin sa lahat ng mga pet owners na nakiisa at nagdala ng kanilang mga alagang aso at pusa para mabakunahan. Ang inyong suporta at pakikilahok ay malaking ambag sa pagpapanatili ng isang ligtas, malusog, at rabies-free na San Manuel.

Patuloy nating isulong ang responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop para sa kapakanan ng bawat San Manuelenyo.