THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
LOCAL SCHOOL BOARD MEETING
Sa pangunguna ni Mayor Donya Tesoro, nagpulong ang Local School Board ng San Manuel, Tarlac upang balikan ang mga nagawa sa larangan ng edukasyon at talakayin ang mga solusyon sa mga hamong kinakaharap ng ating mga paaralan.
Isa sa mga magandang balita ay ang Aral-Tutor Program, na tumutulong sa mga batang nahihirapang bumasa. Patuloy din ang pagpapaunlad ng mga pasilidad sa ICT at ang pagkumpleto ng mahigit 50 silid-aralan na nakatakdang matapos ngayong 2026.
Tinalakay rin ang mga susunod na proyekto upang mas marami pang mag-aaral ang makinabang. Sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon, hangad nating mabigyan ang bawat batang San Manueleño ng mas maayos na lugar para matuto at mas magandang kinabukasan.





