Meeting with PWDs and Solo Parents

Matagumpay na naisagawa ang pagpupulong para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) at Solo Parents sa lahat ng 15 barangay ng ating Munisipalidad.

Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang programa, serbisyo, at benepisyong nakalaan para sa sektor ng PWD at Solo Parents. Nagsagawa rin ng Election of Officers sa bawat barangay ang sector ng (PWD)upang higit pang mapalakas ang kanilang representasyon, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok sa komunidad.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Municipal Mayor sa walang sawang suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay at kapakanan ng bawat PWD at Solo Parent sa ating bayan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na inklusibo, may malasakit, at nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat.