MUNICIPALITY OF SAN MANUEL JOINS NATIONAL SUICIDE PREVENTION MONTH

Nakikiisa ang Municipality of San Manuel, Tarlac sa paggunita ng National Suicide Prevention Month ngayong Setyembre.

Layunin ng paggunita na palakasin ang mga hakbang para sa suicide prevention at hikayatin ang bawat isa na makinig, umunawa, at magbigay ng suporta sa mga taong dumaranas ng mabibigat na pagsubok.

Ang simpleng pakikinig, pag-unawa, at pagpapakita ng malasakit ay maaaring maging mahalagang hakbang sa pagbibigay ng pag-asa.

Sama-sama nating itaguyod ang suicide prevention. Makinig. Kumalinga. Magbigay ng pag-asa.