Pabatid sa Publiko

PABATID SA PUBLIKO

Para sa lahat: Kami po ay nananawagan sa ating mga kababayan upang matukoy ang pagkakakilanlan at mga kamag-anak ng isang babae na may sumusunod na paglalarawan:

– Babae edad 30-40 years old

– Nasa 5’2” to 5’4” ang taas

– Medyo maputi ang balat at kulot ang buhok

– Nakasuot ng puting short pants at kulay gatas na may pulang bulaklak ang damit pang itaas.

– May tattoo na Mic sa kanyang pulso at may letrang ”KJ” sa kaliwang leeg

Ang sinumang may impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan o mga kamag-anak ng nasabing babae ay hinihiling na makipag-ugnayan sa San Manuel Municipal Police Station o tumawag sa Numerog 0999-805-2045 para sa kaukulang aksyon