PATULOY NA PAGPAPALAKAS NG HEALTH SERVICES SA SAN MANUEL

Patuloy na binibigyang-pansin ng Municipality of San Manuel ang kalagayan ng ating mga serbisyong pangkalusugan.

Sa kanyang pagbisita, personal na sinuri ni Mayor Donya Tesoro ang bagong X-ray machine na magsisilbing karagdagang suporta sa diagnostic services para sa ating mga kababayan.

Tiningnan din ang Mental Health Room na isasaayos bilang lugar para sa counseling at pagbibigay ng mas maayos at accessible na mental health support.

Kasama rin sa pagtutok ang suplay ng mga gamot upang matiyak na sapat at tuloy-tuloy ang availability ng mga kinakailangang gamot sa ating health facilities.

Patuloy ang pag-aayos at pagpapalakas ng ating mga pasilidad at serbisyo upang masiguro na ang bawat San Manueleño ay makatatanggap ng maayos, sapat, at maaasahang serbisyong pangkalusugan.