PINANSYAL NA TULONG PARA SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Matagumpay na naidaos sa San Manuel, Tarlac ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) ng Department of Agriculture (DA).

Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang suporta ang ating mga magsasaka at mangingisda upang makatulong sa kanilang kabuhayan at patuloy na pag-unlad.

Maraming salamat sa Department of Agriculture sa patuloy na suporta at malasakit para sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Para sa mas masaganang kabuhayan at mas matatag na San Manuel!