THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
PROJECT LAWA AT BINHI
Ceremonial Turnover, Ribbon Cutting & Blessing of the Site
Isang panibagong hakbang tungo sa mas matatag, mas luntian, at mas ligtas na komunidad ang nasaksihan sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI sa San Manuel, Tarlac.
Isinagawa ang Ceremonial Turnover, Ribbon Cutting, at Blessing of the Site, bilang simbolo ng pormal na pagsisimula at pagtutulungan para sa pagpapatupad ng proyekto. Layunin ng Project LAWA at BINHI na makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran, pagpapalakas ng climate resilience, at pagpapaunlad ng mga programang makikinabang ang komunidad.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaang lokal, mga katuwang na ahensya, at mamamayan, patuloy nating isinusulong ang mga proyektong nagbibigay ng pangmatagalang benepisyo para sa San Manueleño.
Sama-sama para sa mas luntian, mas ligtas, at mas maunlad na San Manuel.




