THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
Project START UP 2026
Matagumpay na naisagawa noong Agosto 13, 2026 ang Project START UP 2026, sa pangunguna ng Center for Community and Local Governance Studies and Policy Development (CCLGSPG), na dinaluhan ng mga CDWs mula sa Moncada at San Manuel, Tarlac.
Tinalakay sa seminar ang “Integrating Place-Based Pedagogy in Early Childhood Care,” kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga CDW na matuto, magbahagi ng karanasan, at makakuha ng mga bagong ideya na maaari nilang gamitin sa kanilang pang-araw-araw na pagtuturo at pag-aalaga sa mga bata.
Sa mga ganitong programa, patuloy nating pinapalakas ang kakayahan ng ating mga CDW dahil ang magandang kinabukasan ng ating mga bata ay nagsisimula sa maayos at makabuluhang pagkatuto ngayon.





