Rice Distribution Program

Isang matagumpay na Rice Distribution Program ang isinagawa sa San Manuel, Tarlac, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Tarlac.

Ang programa ay naglalayong makapaghatid ng tulong at dagdag na suporta sa ating mga kababayan, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan.

Taos-pusong pasasalamat sa Provincial Government of Tarlac sa patuloy na pakikipagtulungan at malasakit para sa mga San Manueleño.

Patuloy ang pagkakaisa ng pamahalaang panlalawigan at lokal para sa kapakanan ng bawat pamilyang San Manueleño.