THE OFFICIAL WEBSITE OF MUNICIPALITY OF SAN MANUEL TARLAC
SAN MANUEL, TARLAC, KINILALA SA GAWAD SERBISYONG MAYAP: DUGONG BUHAY AWARDS
Ipinagmamalaki ng Municipality of San Manuel, Tarlac ang pagkilala na natanggap bilang awardee ng Gawad Serbisyong MaYap: Dugong Buhay Awards.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa patuloy na pakikiisa ng San Manuel sa mga programang nagtataguyod ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo, isang simpleng gawa ng malasakit na maaaring maging daan upang makapagligtas ng buhay.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang suporta at pakikiisa ng ating mga mamamayan, volunteers, health workers, at mga katuwang sa mga blood donation activities sa bayan.
San Manuel, patuloy sa paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit para sa buhay.




