Tuloy-Tuloy na Suporta para sa Edukasyon

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng San Manuel sa ating mga paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan at iba pang school needs upang makatulong sa mas maayos at mas produktibong pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Layunin ng inisyatibang ito na matugunan ang ilan sa mga pangangailangan ng ating mga paaralan at mabigyan ng sapat na suporta ang ating mga guro at mag-aaral sa kanilang araw-araw na gawain.

Patuloy nating pagtutuunan ng pansin ang edukasyon dahil naniniwala tayo na ang bawat tulong at suporta para sa ating mga paaralan ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at ng buong San Manuel.