Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan

Pinagtibay ngayong umaga ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan sa isinagawang “Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan” sa pangunguna ni PD PCol Harry Lorenzo III.

Nagkaisa ang mga Barangay Captain, Barangay Tanod, Philippine National Police (PNP), Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), at ang Pamahalaang Bayan ng San Manuel upang higit pang mapaigting ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Patunay ang gawaing ito na sa pamamagitan ng malapit na pagtutulungan ng bawat sektor, mas nagiging handa at ligtas ang ating bayan. Taos-pusong pasasalamat at pagbati sa ating mga kapulisan, lalo na kay PCapt Linda, sa kanilang patuloy na dedikasyon at paglilingkod para sa mamamayan.

Sama-sama para sa isang mas ligtas at maunlad na San Manuel!