Village Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED)

Matagumpay na isinagawa ang Village Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED) Project Launching at ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony para sa Pagbiagan Cooperative.

Kasama ang Provincial Agrarian Reform Office-Tarlac, DTI Tarlac, DOST Tarlac, at Tarlac State University, pinagtibay ng mga katuwang na ahensya at institusyon ang kanilang suporta para sa isang makabuluhang proyekto na naglalayong palakasin ang kabuhayan, kakayahan, at oportunidad ng ating mga magsasaka at mga miyembro ng kooperatiba.

Ang inisyatibong ito ay isang patunay ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, akademya, at mga katuwang na organisasyon upang maisulong ang mas matatag at masaganang sektor ng agrikultura sa ating bayan.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng San Manuel sa pagtataguyod ng mga programang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat San Manueleno.